Maghilom Lyrics by Cassie

Maghilom

Music and Lyrics By Cassie

 

Verse 1:

Aking Sinta,

Ika’y lubusang minahal

Hinahanap-hanap sa tuwina ang iyong mga ngisi

Umaasang makikitang muli

 

Verse 2:

Araw-araw

Ako’y nangangarap sa bituin

na balang araw ay magiging tayo sa huli

Ngunit ako pala’y nagkamali

 

 

Refrain:

Pagkat hindi ayon ang iyong nadarama

Ika’y nahulog sa iba

Walang magagawa kundi ikaw ay palayain

Kahit ito’y labag sa damdamin

 

Chorus:

Nagdurugo ang pusong sugatan

Nang dahil sa pagibig ko sa iyo

Mahirap mang limutin

Ngunit dapat gawin

Kung nais kong ang puso ko ay

Maghilom

 

Bridge:

Masakit mang isipin

Mahirap mang gawin

Ngunit dapat kung aking nais…

 

Repeat Chorus

End

 

 

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *