Naiderecho – Lyrics by Cassie

“Naiderecho” – to the tune of Porque

Lyrics by Cassie

Verse 1:

Tulala lang sa’king kwarto

At nagmu-muni-muni

Ang tanong sa’king sarili

San ako nagkamali

 

Refrain 1:

Bakit sa iba pa nagkagusto

Parang bula sila’y naglaho

 

Chorus 1:

Bakit iba pa ang napili

Tuloy ang puso ko ay sawi

Kay simple lang naman ng hiling

Na makamtan ko ang mga minimithi

 

Sana’y magmilagro

Mabalik ko

Mali ay maiderecho

Pinagdarasal ko’y

Mapatawad

At maitama landas ko

 

Verse 2:

Ang lahat ay binigay ko

Sayo at di nagsisisi

Sobra sobra ang biyaya

Di alam kung kasya pa

 

Refrain 2:

Ako’ sa Iyo ay nagkagusto

Alam kong di Ka maglalaho

 

Chorus 2:

Ngayong Ikaw na ang pinili,

Alam kong di ako nagkamali

Pinawi hirap ko’t pighati

At pinatawad pa sa aking mga mali

 

Tunay ngang milagro ginawa Mo

sa krus ng kalbaryo

Dahil sa ginawa Mo,

Ang mali ko ay Iyong naiderecho

 

Bridge:

Ako’y lalapit

Sa Iyong harapan

Iaalay puso ko at isipan

Di babalikan

Nakagawian

Kundi ay lilisan

 

Chorus 3:

Ngayong Ika’y na saking tabi

Alam kong puso’y di na sawi

Hiling ko ay Iyong dininig

Nang madama ko ang Iyong pag-ibig

 

Chorus 4:

Salamat Diyos ako’y napili

Puso’y sa Iyo mananatili

Nawa ako’y Iyong gamitin

Nang madama nila ang Iyong pag-ibig

 

Tunay ngang milagro, naranasan

Sa paanan ng kalbaryo

Dahil sa ginawa Mo,

Ang mali ko ay Iyong naiderecho

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *